Linggo, Hulyo 3, 2011

Washington Sycip Lecture: UP Centennial

Negatibo sa loob ng Positibo

Maraming mga katanungan na maglalabas ng mga negatibo sa likod ng Unibersidad na ito. Mga prangkang tanong ni Washington Sycip na sadya nga talagang totoo.

Washington Sycip
Photo from UP


Iisa-isahin ko upang mas malinaw ang lahat. Ang una, ang pagiging mahirap ng Pilipinas na binitawan nila na sa 50 years, papangalawa ang Pilipinas sa Japan. Ngunit paano nila malalaman na ganito ang mangyayari kung ang bawat alumni ng Pilipinas lalong lalo na ang taga-UP, na tuwing sila’y nagtatapos ay diretsyo kaagad sila sa ibang bansa, paano malulutas ang mga problema kung may 70 milyon ang populasyon ang Pilipinas  at kung iisipin 50 taon na ang nagdaan at halos 91,983,000 na ang populasyon nito ngayong 2011. At dahil diyan kung sa 70 milyon na populasyon ay mahirap ng lutasan at hanapan ng solusyon ang Pilipinas, sa 92 milyon pa kaya? Pangalawa, napag-aralan na ba ng UP kung paanong ang kalapit bansa natin ay bumababa ang lebel ng kahirapan nila, at dahil dito sa mga magagaling na mga Pilipinong nars at doctor na nagtatapos at ipinapadala ng Pilipinas upang lalong paunlarin ang isang bansa. Sa tingin ko, talagang totoo ito at papaburan ko dahil imbes na ang mga nagtatapos sa ating bansa ay maglingkod sa tinubuang bayan ay sila pa ang nagpapa-unlad sa ibang bansa. Ang mga ilan na sa mga mauunlad sa Silangang Asya ay tulad ng Singapore at Thailand na ang kanilang mga ospital para sa “medical tourism” ay maunlad. Pangatlo, maraming mga magagaling na abogado at mga “bar topnotchers” na namamahala ng mga kumpanya sa batas. Siguro nga, marami ang mga “bar topnotchers” ang galing sa UP ngunit ayon na rin kay Washington na lahat ba ng mga ito ay tapat? Alam naman natin na ang abogado ang taga-pagtanggol ng mga naaapi ngunit hindi lahat ng mga naaapi ay ipinagtatanggol nila dahil kung iisipin natin, ang abogado ay binabayaran upang maging taga-pagtanggol ng kahit sino man, naka-dipende sa kanila kung maipapanalo nila ang kaso kahit ang kliyente ay totoong may sala. Para sa akin ay kailangang mayroon silang paninindigan dahil sariling konsensya nila ang ginagamit dito. Pang-apat, dahil ang UP ay isang publikong paaralan, alam naman natin na ang publikong paaralan ay bukas sa kahit anong relihiyon; sabihin na natin ang mga muslim. 6% ng estudyante ng UP ay ang mga muslim. Ngayon, ang tanong ay kung paano paliliitin ng UP ang agwat sa pagitan ng katoliko at muslim dahil nga mas marami ang katolikong nag-aaral rito at paano kung magdagdag ng wikang arabe? Kung ako ang tatanungin, walang batayan upang gawin ito, dahil sapat na ang lenggaweheng Filipino o Ingles ang gamitin, magkakaroon ng kumplikadong sistema ng pag-aaral kung magkakaroon pa ng halo-halong linggawahe na kung saan magdudulot lang ng kalituhan sa iba. Panglima, ang tungkol sa kung mayroong plano sa pag-unlad para sa kanilang malaking kampus. Ngunit kahit magkakaroon ba ng pondo ang Unibersidad, maisasagawa ba nila ito ng matiwasay? Isipin na lang natin, na hindi lang iisa o dadalawa ang mga alumni ng nasabing Unibersidad ngunit libo-libo. Upang magkaroon ng mabisang plano ukol rito, kung gugustuhin ng malaking kampus kung saan magkakaroon ng malaking pakinabang sa bawat isa, kailangan ng pagtutulungan. Pang-anim, tungkol sa turismo, ngunit paano nga ba magkakaroon ng mga pangunahing papel ang iba’t ibang eskwelahan sa pagpapatupad sa layunin? Ano nga bang layunin ang gusting maabot para sa turismo?Tungkol sa populasyon? Sa tingin ko, magkakaroon ng malaking problema ukol sa isyung ito dahil hindi naman natin mapipigilan ang mga dayo sa pag-aasawa sa mga Pilipino, maliban kung may batas na nagpapabawal sa mga dayuhan na umibig at mag-asawa at bumuo ng pamilya dito sa Pilipinas, wala tayong sapat na batayan upang gawin ito ng gobyerno. Ikapito, ang usapin tungkol sa agrikultura, ang pag-export ng mga likas yaman natin dito tulad ng mga kawayan ay nagiging sanhi narin ng pag-import natin ng mga ganito galing sa China. Para ng nagmumukha ang Pilipinas na ‘ewan’ dahil isipin mo, mag-eexport ang mga iba ng kawayan at pagkatapos ay mag-iimport ng mga usbong ng kawayan. Iniisip ko tuloy na mas maganda pa rin kung mga ginagamit natin dito sa Pilipinas ay sariling atin. Napaisip tuloy ako, parang ang sakit isipin na ang ginagamit dito sa Pilipinas ay galing sa ibang bansa samantalang may sapat naman tayong supply para sa atin, ngunit ginagamit ng ibang bansa para sa kanilang sariling interes. Kaya kailangan ng maraming magsasaka upang magkaroon ng malaking produksyon ng pagkain upang hindi na tayo naghihikahos sa pag-iimport nito tulad na lang ng bigas na pangunahing pagkain sa ating mga Pilipino. Ikawalo, anong silbi ng mga alumni ng UP kung wala silang maibibigay na pondo para istuktura para sa eskwelahan?. Pangsiyam, kailangan din ng mga guro upang manghikayat sa mga estudyante para sa kinabukasan ng Pilipinas.

            Dahil sa mga opinyon na mga ito, masasabi ko na marami nga talagang negatibo ang nakatago sa lahat na positibong imahe ng UP. Nasasabi ko ito ngayon dahil hindi naman lahat na mga magagandang imahe ay maganda pa rin, kung hihimayin natin ito, marami pa dapat mga tanong na kailangang lumabas upang maging matagumpay ito. Oo nga, marami nga silang mga alumni na magagaling, ngunit hindi lang dapat nila tinitignan dito ang pagiging matagumpay ng paaralan kung hindi matuturing mo itong matagumpay kung ang mga alumni nila ay pinagsisilbihan ang bansa upang mas lalong umunlad ang ekonomiya. At ang pinaka-importante sa lahat, huwag magbitaw ng pahayag kung hindi ito mabibigyan ng 100% na “Oo”. Dahil, iisipin ng iba na magkakatotoo ito at tuluyan na lang aasa.